h.r

LABING (13) TATLONG ALITUNTUNIn

Ang republika ng Pilipinas ang may takda na kilalanin ang mga OFWs bilang mga Makabagong Bayani dahil sa kanilang ‘di matawarang ambag sa ating pambansang ekonomiya. Dahil sa kanilang bilyun-bilyong dolyar na remittances patuloy nahumihinga at nabubuhay ang ating ekonomiya. Sa kabila nito,salat sa paglingap ng Gobyerno ang mga OFWs.


Kailangan ng mga OFWs at pamilya ang sapat na imprastrakturang po-protekta sa kanila laban sa mga problema at maglalayo sa panganib. Ngunit sa lahat ng ito, ang laging tugon ng Gobyerno, kumbaga sasasakyan, ay “isang Bangka sa halip na barko”. Dahil dito, kakaunti ang naisasakay palayo sa panganibat ang naiiwan mag-isang nagdurusa sa kamay ng malulupit at mapang-abusong ibang lahing mgaemployers.


Hangad ng OFW Family Party-list na isulong sa Kongreso ang labintatlong (13) Alituntunin sa pagtugon sa pangagailangang mailayo ang mga OFWs at pamilya sa panganib gamimt ang “BARKO, hindi BANGKA,”


sa pangunguna ni Ambassador Roy V. Señeres, OFW Johnny Revilla, at Seaman Melchor Rosales.


Ang unang letra sa bawat alituntunin ay bumubuo sa katagang BARKO ‘DI BANGKA – ang buod ng Plataporma de Gobyerno ng OFW Family Party-list:


Bayad sa remittance i-regulate para hindi nakakaltasan ng malaki ang buwanang sahod ng mga OFW.Dapat magtatag ng Remittance Regulatory Commission;


Amo ng OFWs ang dapat na turing sa Republika ng Pilipinas (Surrogate Employer). Ang mahigit 10 milyung OFWs ang tumatayong economic army ng Pamahalaan. Bilang amo, tungkulin ng Republika na sagutin angbahagi ng SSS/Pagibig/Philhealth premiums ng mga economic soldiers at ng mga nagnanais maging voluntary members;


Returning OFWs bigyan dapat ng Republika ng easy loans at espesyal na livelihood training;


Kidney at cancer patients na OFWs ay dapat na inaaruga ng Republika. Sa laki ng bayad sa dialysis o chemoteraphy, lahat na ng savings ng isang OFW at pamilya ay nanganganib na maubos. Hindi dapat magsawalang kibo ang Gobyerno sa ganitong mga pangyayari;


Obligahin ng Embahada/Konsulado/POEA at OWWA ang mga iresponsableng mga magulang ng OFWs na magpadala ng sapat na sustento sa pamilya;


Dapat wakasan ng mabilisan ang pagreresolba ng mga kaso sa lahat ng korte at ahensiya ng gobyerno.Kahit halimbawa pending na sa Court of Appeals o sa Korte Suprema ang kaso, maaari itong i-mediate o i-concilliate kapag hiniling ng either or both parties, o kung kusang mamarapatin mismo ng korte;


Ina o ama o surrogate parents ng mga OFWs ang isa sa dapat maging opisyal na tungkulin ng mga Ambassador o Consul-General. Ang pagkalinga ng sa mga OFWs na parang mga tunay na magulang lalo na iyong mga runaway ng mga kasambahay at mga nasa piitan ay dapat personal na inaalam ang kalagayan. Ito ang dapat maging panukat sa kanilang paninilbihan;


Bisitahin at pasayahin ang mga OFWs sa jobsites sa pamamagitan ng yearly “Hatid Saya” na kabibilangan ng mga sikat na artista at entertainers;


Ahensiya ng DOLE, OWWA, POEA, NLRC, NCMB at Regional Offices, plakasin para mapaigting angpagbibigay ng proteksiyon sa pamilyang OFWs at sa laban sa human traffickers at illegal recruiters;


New kinds of diplomats. Ang mga partners sa overseas employment industry tulad ng DOLE employees, qualified OFWs, at qualified personnel ng manning at placement agencies ay dapat bigyan ng pagkakataong makapasok sa Philippine Foreign Services sa pamamagitan ng espesyal na pagsusulit dahil sa kaiba nilang karanasan tungkol sa lahat ng aspeto ng overseas employment industry.


Goberbador at mayor o-obligahing maglagay ng Help Desks para mabigyan ng agarang tulong ang mga pamilyang OFWs na nagkakaproblema sanhi ng pagkawala ng haligi ng tahanan dahil sa pang-iibayong dagat ng ama o ina;


Kawan ng Embahada at mga Labor Offices na itinalaga sa Pilipinas at sa jobsites (local hires) ay gawing pantay-pantay sa sahod at allowances;


Arugain ng Republika ang mga nauulilang pamilya ng OFW na namatay o nagkaroon ng habang-buhay na kapansanan dulot ng trabaho o habang namamasukan sa ibayong dagat. Gawaran ng scholarship at allowances ang panganay nilang anak. Bilang economic soldiers, sila ay dapat ituring na “casualties’ ofthe war against poverty.






Makibahagi sa OFW FAMILY PARTY-LIST

  Headquarters: Unit 101 Taft Office Center, 1986 Taft Ave., Pasay City, Tel: 5267522, 5267515

 Mobile: 09194822697 

ofwfc@yahoo.com.


      Makinig sa

       OFW Family Club Radio Program, tuwing Sabado 4-5 pm sa DZAR 1026 khz

       webcast: www.sonshinetvradyo.com


Question: Ano ang OFW FAMILY PARTY-LIST?


Answer: Ito’y isang NGO o non-governmental organization na ini-rehistro sa Securities and Exchange Commission sa ngalang OFW FAMILY CLUB noong Hunyo 15, 2000 ni Ambassador (Amba) Roy Seneres at ng kanyang buong pamilya at mga volunteers upang maipagpatuloy ng buong pamilya ang nasimulan at nakagawian na nilang panunungklulan sa mga OFWs at pamilya mula pa noong si Amba ay Labor Attache sa Abu Dhabi UAE (1983-89). Labor Attaches a Washington DC USA (1989-94) at Ambassador Extraordinary & Plenipotentiary sa UAE (1994-98). Hindi kumo’t nagtapos na ang panunungkulan ni Amba sa foreign service noong 1998 ay tapos na rin ang kanyang panunungkulan sa mga OFWs at pamilya. Itinuring na ito ni Amba at buong pamilya na isang pananampalataya ayon a banal na kasulatan na nagsasabing: 


Whatever it is that you do to the least of your brothers and sisters, you do it unto God. (Matthew 25:40)

Questions and Answers hingil sa OFW FAMILY PARTY-LIST

Q: Ano ang vision at mission ng OFW FAMILY PARTY-LIST?


A:

Vision. We envision an efficiently managed graft-free and prosperous country whose sons and daughters need not suffer the pain of being exiled overseas to earn a living. For as long, however, that the conditions for them to return home are unavailing, we want them to be a Sector of Overseas Filipino Workers (OFWs) who are adequately protected by the Philippine Foreign Service and with their families in the Philippines being well taken care of by the government in the absence of the pillars of their homes.


Mission. Work on the enactment of laws and/or the issuance of Presidential directives. Department orders and/or local ordinances which will effectively address the concerns of OFWs and their families: organize and unite them for the purpose of strengthening their Sector and encourage and assist them in putting to practice in more organized ways the unique Filipino spirit of bayanihan to ease their burden and pain due to the adverse effects of the Filipino diaspora.

Q. Bakit kailangan pang mag-party list at sumali sa halalan ang OFW FAMILY PARTY-LIST?


A. Bago pa nagging party-list organization ang OFW Family club matagal na itong naninilbihan sa mga OFWs at pamilya mula pa noong 1998 hanggang sa kasalukuyan. Ngunit habang lumalaki, ang bilang ng mga OFWs dumadami din ang mga problema. Ang resources ng OFW FAMILY Club ay di naman lumalaki dahil ito’y isang pribadong NGO lamang. Di maiwasang ito’y nagiging “lowbat” paminsan-minsan ika nga sa harap ng samot-saring mga problemang tinutugunan nito. Upang ma-recharge at mapaigting lalu ang kanyang kakayahan, naisipan nitong sumali sa party-list elections upang sana’y mailukluk ito ng taumbayan sa kongreso para sa kapakanan ng mga OFWs at ng buong bansa.